Tila walang gustong bumitaw sa dalawang koponan nang biglang magpakawala ng tres si Joshua Ramirez ng Regent, 20.1 ang nalalabing oras sa laro, hudyat ng kalamangan sa iskor, 75-72.
Muntik sanang makatabla ang Cake Experts subalit isang free-throw shot lamang ang naibuslo ni Welihado Duyag, 4.7 ang oras na nasundan pa ng dalawang pagmimintis sa free-throw ni John Rittis sa pagtatapos ng laba-nan.
Sa magkatuwang na puwersa nina Arwind Santos at Ramirez na nagtala ng 13 at 11-puntos ayon sa pagkakasunod, nagawang itakas ng Snack Experts ang ika-anim na panalo sa 8-laro at ipalasap sa Assumption ang ikatlong talo sa 8-laro.
Umangat ang Regent sa pangkalahatang pamumuno matapos 62-39 panalo ng defending champion Boysen-MLQU kon-tra sa UP-Waterfront, dahilan para umangat sa pamumuno ang Regent.
Pinangunahan ni Edilito Saygo ang Paintboys sa paghakot ng 13-puntos upang makamit ng Boysen-MLQU ang 5-3 win-loss slate. (Ulat ni Carol Fonceca)