Nagsanib ng lakas sina Rommel Daep at Willy Wilson sa ikaapat na quarter nang kumawala ang Iridologists upang tapusin ang kanilang 9-game losing streak at makapasok sa win column ng Group B sa quarterfinal round na ito.
Ang 47-42 kalamangan ng Osaka sa pagtatapos ng ikatlong quarter ay lumawig sa 12 puntos nang pamunuan nina Daep at Wilson ang mainit na 11-4 run upang iposte ang pinakamalaking kala-mangan na 12 puntos, 58-46.
Hindi nakaapekto sa Iridologists ang pagka-wala nina Gilbert Omolon at Jessie Cabanayan na parehong na-injured matapos magkaumpugan. Pumutok ang kilay ni Cabanayan habang nagdugo naman ang ilong ni Omolon kayat isinugod ito sa ospital.
Hindi na nakaporma pa ang Jewelers na siyang dahilan ng kanilang ikawalong kabiguan matapos ang 11 pakikipaglaban at tulad ng Osaka ay talsik na rin ito sa kontensiyon.
Habang sinusulat ang artikulong ito ay kasalukuyang naglalaban ang Hapee Toothpaste at Ateneo-Pioneer Insurance. Tanging ang Teeth Sparklers na lamang ang may pag-asang makapasok sa semifinal round kung saan nakakasiguro na ang Shark Specialist.
Tumapos si Wilson ng 13 puntos kabilang ang kanyang impresibong 7-of-8 free throw shooting bukod pa sa kanyang 6 rebounds at 2 assists kayat itoy napiling Best Player of the Game ha-bang nagtala naman si Daep ng 17 puntos.
Osaka 64--Daep 17, Magsumbol 14, Wilson 13, Cuan 10, Neil 5, Omolon 3, Cabanayan 2, Uy 0.
Montana 53--Dima-unahan 19, Gottenbos 10, Zamora 8, Torrente 7, Lim 5, Lao 2, David 2.