Tinalo ni Mendoza, incoming junior sa Araullo University, Cabanatuan, si Mariano hawak ang puting piyesa, 39-moves ng Kings Indian Defense-Saemisch Variation.
Nagblunder si Mariano sa kanyang ika-35th sulong na nagbigay daan sa 19-gulang na binibini mula sa Nueva Ecija na tapusin ang kanyang matagumpay na pag-atake sa kingside sa pa-mamagitan ng malakas na seventh rank rook.
"Its not yet a cause for celebration, since I expect to be pitted with my fellow Olympians in the succeeding rounds," paha-yag ni Mendoza na siyang pangunahing babaeng player (Elo 2162). "That will definitely be a tougher one, kung baga meron pa akong mga tinik na dadaanan."
Tinutukoy ni Mendoza ang kanyang kapwa Istanbul chessers na si WNMs Leah Bernardo at Christine Grace Espal-lardo na kasalukuyan pang naglalaro habang sinusulat ang artikulong ito.