National Age Group chessfest susulong ngayon

Pangungunahan nina top seeds International Master Mark Paragua at Woman National Master Christine Grace Espallardo ang listahan ng mga mahuhusay na kalahok sa pagbubukas ng 2001 National Age Group Chess Championship sa Kaban ng Hiyas Building sa Mandaluyong City Hall complex ngayong ala-una ng hapon.

Ipapamalas ng 17-gulang na si Paragua na may Elo rating 2454 at Istanbul Olympian Espal-lardo na may Elo rating na 2050 ang kani-kanilang tikas sa Under-20 bracket ng boys and girls division, ayon sa pagkakasunod.

Inaasahan na makakasagupa ni Paragua ang mahigpit na hamon mula sa National Junior champ na si John Paul Gomez, habang makakaliskisan naman si Espallardo ng kapwa niya Olympian na si Leah Bernardo at UE Board 1 player Carmina Joy Mariano.

At para sa Under-18 crew, top rated players naman sina NM Oliver Barbosa, Leonard Reyes II, Minda Flores at maka-kaliskisan ang 14-anyos National Kiddies titlist Julio Catalino Sadorra at Arnel Aton para sa boys’ U-16, habang sa babae lalaro si Jayveelyn Fronda.

Show comments