Adaza, Lapaz susubok sa paglangoy

DARWIN, N.T., Australia--Ang karanasan ang siyang mas mabisang guro.

Dalawa sa Davao Oriental’s Olympkids--ang tenistang sina Andrew Adaza at Alexis Lapaz ang makakaranas ng isang world-class competition sa kanilang pagsabak sa aksiyon simula sa Sabado sa ikapitong edisyon ng biennial Arafura Games dito.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan na magpapadala ang Davao ng kanilang delegation para sa international event.

"There’s nothing to lose. This is all for experienced and a statement that the province of Davao Oriental has come on strong lately with distinct sports development programs catering to the youth," ani Neilwin Bravo, Davao Oriental head of delegation.

Lalahok ang 16-anyos na si Adaza at ang 13-gulang na si Lapaz sa lawn tennis sa 29 event Games na inorganisa ng Northern Territory Government.

Show comments