Milo Checkmate para sa huling summer series

Tumatanggap na ngayon ng patalaan para sa huling summer series ng Milo Checkmate sa Badminton Bldg., Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), Vito Cruz, Manila at sa 2/F Center Mall, Greenhills Shopping Center (GSC) sa San Juan.

Ang naturang clinic ay gaganapin sa Mayo 18-26 sa tatlong lugar, ito’y ang RMSC-7:30-11:30 am; 3/F Farmers Plaza, Araneta Center, Quezon City-10:30-2:30 pm at GSC-2-6 pm.

Ito ay bukas para sa lahat ng batang chessers na may edad 5-18. Kabilang sa mga kursong iniaalok ay ang preparatory, beginners at intermediate.

Para sa iba pang detalye tumawag sa organizing Metropolitan Chess Club sa 8268560.

Show comments