Dinalaw ng nasabing Kitefest ang Dumaguete, Caga-yan de Oro, Kalibo, Davao, Lingayen,Tagbilaran, Baguio at Puerto Princesa bilang bahagi ng kanilang whirlwind tour na nagsimula noong nakaraang Pebrero.
Ang ngayong taong Kitefest ang siyang may pinakamalaking bilang ng mga kalahok kung saan paghahatian nila ang apat na division, ayon sa kani-kanilang age levels: elementary, para sa mga may edad 6-12; high school (13-16); college (17-21) at adult (22-pataas).
Ang mga kalahok sa elementarya ay maaaring sumali sa two-dimensional flat kite category, habang ang nasa high school, college at adult divisions ay maaaring umentra sa three-dimensional geometric at figure kite categories.
Bukas ang nabanggit na Bear Brand Kitefest sa lahat ng individuals, families at grupo ng mga magkakaibigan. May nakataya ritong cash prize at tropeo na ipagkakaloob sa mga mananalo.
Magbibigay rin ng special prize para sa Super Kite awardee ang pinakamala-king saranggola na paliliparin sa araw na ito.