Ang panalong ito ng Hoteliers ang nagbangon sa kanila mula sa natamong 63-55 kabiguan kamakalawa sa mga kamay ng Regent Cheeseballs kung saan di nakapaglaro si Bornancin sanhi ng disciplinary action matapos na di ito sumipot sa ensayo, habang nalasap naman ng University of Assumption ang kanilang unang pagkatalo matapos ang apat na laro.
"We concentrated on defense," ani UP-Waterfront mentor Ryan Gregorio kung saan sumandig din ito sa mahusay na depensa nina Welihalde Duyag, Roel Galura at Vincent Santos.
Tumapos si Xavier Nunag ng 14 puntos kabilang ang krusiyal na apat na free throws ang naghatid sa Hoteliers sa pangunguna.