Inorganisa ng Makati Amateur Sports Association, ang nasabing seminar ay naka-pokus sa kahalagahan ng palakasan at ang magiging epektyo nito sa drug addiction para sa pagmimintina ng malusog na kapaligiran sa Makati.
Sinabihan din ni MASA president Mark Joseph sina dating Asian sprint queen Lydia de Vega-Mercado, Jaime Sebastian ng weightlifting, Chris Monfort (football) Akiko Thompson (swimming) at four-time bowling World Cup champion Paeng Nepomuceno na magbigay rin ng kanilang mga naging karanasan sa field na kanilang nilahukan.
Ayon pa kay Joseph, inimbitahan rin ng MASA ang mga public school teachers bilang chief participants sa nasabing seminar. Idinagdag pa niya na buong pusong tatanggapin ang mga volunteers na ibig lumahok.
Si del Rosario, naging top taekwondo jin ng bansa noong 80s ay katulong din ni Joseph sa paglulunsad nito ng anti-drug campaign sa Makati sa pamamagitan ng sports.