Mga kalaban ni Torre, talo lahat

At marahil sa kanyang pamatay na porma, na-sweep ni Grandmaster Eugene Torre ang lahat ng kanyang laban sa pagbubukas ng ikatlong serye ng Milo Checkmate clinic sa third floor ng Farmers Plaza, Araneta Center sa Quezon City.

Si Torre ay nag-ubos ng kabuuang apat na oras bago niya tapusin ang 28 kabataang protagonist na may edad 4-19.

Ang magkasunurang torneo na ito ay bahagi ng clinic na pormal na nagsimula ngayon sa tatlong lugar; Badminton Bldg., Rizal Memorial Sports Complex, Vito Cruz, Manila (7:30-11:30 am); Farmers Plaza (10:30 am-2:30 pm) at sa 2/F Centermall, Greenhills Shopping Center (1:30-5:30 pm).

Show comments