Ang panalo ni Bustamante ang nagbigay sa Pilipinas ng 1-2 finish sa limang araw na double elimination tournament na ito na nagtampok sa mahuhusay na 128 to-rated pool pros na kina-bibilangan nina superstar Earl Strickland, Johnny Archer at Nick Varner ng Amerika.
Ito ang ikalawang titulo na napagwagian sa U.S. pro billiards tour ng mga protege nina Manila Sportsmen Jose G. Puyat at Aristeo G. Puyat kung saan nauna nang nag-uwi si Reyes ng korona sa Chesapeak, Virginia noong nakaraang linggo.
Ang panalo ni Bustamante ay nagkaloob sa kanya ng $15,000 at nagbulsa naman si Reyes ng $9,500 bilang ikalawang puwesto.
Tinalo ni Bustamante si Reyes, 11-4 sa quar-terfinals at umusad kontra sa kanyang kababayan at teammate sa finals matapos na pabagsakin naman si Charlie Williams ng Amerika, 11-9 sa semifinals.