Sinabi ni MASA president Mark Joseph na magsasagawa siya ng ilang pakiki-pag-usap hinggil sa importansiya ng sports upang maging malusog, well-disciplined, goal-oriented at drug-free youth.
"This is the vision of the Makati Amateur Sports Association. And it can only be realized if we focus our efforts on the mission, which is to provide sports for all." ani Joseph, na kumuha ng sports management course sa Hungarian University.
Binigyan diin ni Joseph na hindi dapat gamitin ang sports bilang stepping stone upang makamit ang goal ngunit bilang daan din tungo sa nation-building.
Sinabi din niya na ang MASA na magi-imbita din ng speakers na may kaalaman sa sports lalung-lao na sa makakapagbigay ng inspirasyon sa mga partisipante.
Ang konsehal ng unang distrito ng Makati na si Joseph ay nakikipag-usap din sa kinaukulan upang mapasama ang sports management course para sa mga kolehiyo sa Pamantasan ng Makati.
"Sports management course will give the people of Makati a birds eyeview on the proper training and handling of athletes," ani Joseph.
Ang Makati Sports Club, YMCA-Makati, MetroClub, Don Bosco Technical Institute at Colegio de San Agustin ay ilang lamang sa institusyon na magbibigay ng swimming scholarship sa mga karapat-dapat na atleta.