Milo Junior Tennis Cup sa Cebu City

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga Visayan age-groupers na makapalo sa pagdaraos ng Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop sa Sancase Tennis Club sa Cebu City sa Mayo 11-13.

Tampok ang mga age-groupers sa boys’ at girls’ 18-under, 14-under, 12-under at unisex 10-under division sa Milo netfest na ito na inorganisa ng Children’s Tennis Workshop at suportado ng Adidas.

Ang pambansang Milo junior tennis development program ay bibisita din sa kalapit na Mandaue City Tennis Association (MANTADS) para sa libreng beginners workshop sa koordinasyon ni Sheryl Ouano, habang ang age-group tournaments ay inorganisa naman ni club president Judge Temis-tocles Boholst Jr. at project director John Pages.

Muling nagbalik ang Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop sa Visayan region matapos ang matagumpay na pagtatanghal nito sa Burnham Park Tennis Club sa Baguio para sa Northern Luzon.

Show comments