Walang bayad ang "Robinson's Summer Badminton" para sa lahat ng street children ng probinsya at nakahikayat na ito ng 100 participants na lalahok sa alinman sa tatlong sessions na ibinibigay ng sports clinic, 10:00 a.m.-12:00 noon, 2:00-4:00 p.m. at 4:00-6:00 p.m..
Ang proyekto na ito ay inorganisa ng Sectoral Sports Office (SSO) ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng opisina ni Commissioner Carrion.
"The SSO of the PSC will revive the Palaro sa Batang Lansangan in the National Capital Region (NCR) soon and we have our plans of extending this project to the provinces and one of our venue for the pilot project is in Cavite," ayon kay Carrion.
Samantala, patuloy naman ang pagpaplano ni Commissioner Carrion sa pakikipagtulungan ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tinatayang pinakamalaking national sportfest para sa street children sa bansa. (Ulat ni C. Fonceca)