Ngunit ang kanyang pagtatangka na maiahon ang kampanya ng bansa ay nauwi sa wala nang siya ay pigilan ni Anh at ipuwersa ang draw matapos ang 57 sulungan na siyang tuluyang kumitil sa nalalabing pag-asa ng bansa sa ikasiyam at final na round kahapon sa Asian Zonal Chess Championship sa Laguna Room, Grand Boulevard Hotel, Manila.
Binuksan ni Villamayor ang laban sa pamamagitan ng Hedgehog Variation ng Queens Pawn Game, subalit siya ay nasupil ng Vietnamese GM matapos ang ikasiyam na move, nag-alok ito ng draw na tinanggihan naman ng Pinoy GM.
Subalit, kinalaunan, ay tinanggap na rin ng 33-anyos na si Villamayor ang alok na draw matapos na makita na wala na sa posisyon si Denny Juswanto ng Indonesia na kalaban naman ni Thien Hai Dao ng Vietnam.
Bunga ng kanilang draw, tinapos ni Nguyen ang kanyang kampanya sa kabuuang 7 puntos upang dominahin ang mens division ng tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines at co-sponsored ng PAGCOR at Grand Boulevard Hotel na may suporta mula sa Social Security System at College Assurance Plan, Inc.
Tinapos nina Dao at Juswanto ang kanilang laban sa pamamagitan ng draw matapos ang 47 sulungan ng Nimzo-Indian.
Nabigo naman si FIDE Master Ildefonso Datu na makakuha ng tulong mula kay Villamayor matapos na mag-blundered sa kanyang solidong posisyon at natalo kay GM Utut Adianto ng Indonesia sa 31 moves ng Slav Defense.
Samantala, dinomina naman ni woman GM Thanh Trang Hoang ang womens side nang kanyang itala ang 8 puntos matapos na payukurin si WIM Cristine Rose Mariano matapos ang 33 moves ng Kings Indian Attack sa final round.