Sumandig si Salvador, ang Board 1 player ng UST Tigers sa kanyang kahusayan sa buong laro upang itala ang 5.5 puntos sa 30-minutong chess showdown na inorganisa ng Philippine Chess Society.
Upang magpatuloy sa kanyang pananalasa, ginamit ni Sal-vador ang malakas na Modern Benoni kontra sa kalabang si Glynis Cruz sa opening bago sumulong ng French Defense upang igupo naman si Shercila Cua sa second round.
Sumunod na naging biktima niya si Dino Ballecer sa pama-magitan ng Sicilian.
Sa kabilang dako naman, napaganda ni Ivan Gil Biag ng Cavite ang kanyang tinapos na 26th puwesto sa ikalawang yugto ng Under-20 competition sa pamamagitan ng nalikom na limang puntos na panalo.
Iniuwi nina Jeffrey Daclan at Ballecer ang ikatlo at ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, isusulong naman bukas ang final at huling yugto ng Kiddies Active mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan para sa Age Group Active Chess na ang hostilidad ay magbubukas naman sa Mayo 2. Para sa mga detalye tumawag kay Joey Moseros at Nora Managuelod sa 9293583, 4142302.