Ang panalo ay ikalawa ng UP at nakisosyo sa University of Assumption sa liderato habang ito naman ang kauna-unahang kabiguan para sa Boysen-MLQU.
Maagang nagpamalas ng dominasyon ang Maroons nang kunin ang tatlong unang quarters at pigilan ang tangkang rally ng Paintboys bago matapos ang ikaapat na yugto ng laro.
Biitbit ang 13 puntos na kalamangan ng UP, 50-37, tinangka ng Paintboys na bumangon ngunit na-injured pa ang pambato ng Boysen na si Theody Habelito na bumagsak una ang kanang bahagi ng balakang, isang minuto na lamang ang nalalabi sa laro.
Gayunpaman, nagawang ibaba ng Boysen ang kalamangan ng UP sa pagtutulungan nina Marphil Limbo, Edilito Saygo at Dan Conmigo, 56-59.
Sa naunang laro, tinalo ng National University ang Spring Cooking Oil, 92-67. (Ulat ni Carmela Fonceca)