Maagang nakuha ni Antonio ang material advantage makaraang magblundered ang 20-anyos na si Laylo sa kanyang kingside attack na nagbigay sa una ng ikalimang panalo at ikaanim na puntos sa overall para makasama sina Grandmaster Eugene Torre, International Master Richard Bitoon at NM Allan Sayson.
Nakipagkasundo si Torre, naglaro ng kanyang pinakamahusay na piyesa matapos na mangapa sa huling dalawang taon sanhi ng kawalan ng tournaments sa 41-move standoff kontra NM Ildefonso Datu, ang top-notcher sa eliminations sa Ruy Lopez encounter, habang naghatian naman sa puntos sina Bitoon at Sayson makaraan ang 39 sulungan ng kanilang razor-sharp Sicilian battle.
Itinala naman ni NM Jayson Gonzales ang kanyang 5.5 puntos at isang panalo na lamang ang kailangan nito para masungkit ang ikatlo at final norm para sa kanyang IM title matapos ang 25-move panalo kontra NM Edgar Reggie Olay ng Kidapawan City.
Kabilang pa rin sa kontensiyon para sa limang Asian Zone 3.2a Championship berths sina FIDE Master Chito Garma na natalo kay NM Emmanuel Senador at GM Buenaventura Villamayor na ginapi si FM Jessie Noel Sales.
At sa kababaihan, nakipag-draw si WIM Beverly Mendoza kay Jonalyn Torres ng Camarines Norte upang manatiling hawak ang pangunguna sanhi ng 7.5 puntos, habang nakalapit naman sa kanya si Joan Toledo ng kalahating puntos matapos na igupo si national champion Catherine Rose Mariano.