Philippines vs Thailand sa SEABA Championships

Naisaayos ng defending champion Philippines at Thailand ang muling paghaharap para sa titulo ng 4th Southeast Asia Basketball Association men’s championships matapos magtagumpay sa magkahiwalay na crossover semifinal matches kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Naging magaan ang panalo ng RP squad laban sa Indonesia, 88-41

Habang medyo nahirapan naman ang Thailand kontra sa Singapore, 70-60 sa unang laro.

Inaasahan ni RP coach Boysie Zamar na di magiging madali ang kanilang laban ngayong alas-5:30 ng hapon kontra sa Thailand na kanilang tinalo noong 1998 SEABA championships na ginanap dito sa bansa.

Magsasagupa naman ang Singapore at Indonesia sa alas-3:30 ng hapon para sa konsolasyong ikatlong posisyon.

Ang Thailand at Philippines ay kapwa nag-qualify sa Asian Basketball Association men’s championships na gaganapin sa Hulyo sa Shanghai, China.

Nagtala ang RP team ng 38-of-80 mula sa field kumpara sa 15-of-69 ng Thailand. Bumababa rin ang turnovers ng mga Pinoy sa 12 mula sa dating average na 16 turnovers.

Mula sa 17 turnovers ng Indonesia, nakinabang ng 26 puntos ang Philippines na angat din sa rebounds, 62-36, assists, 32-13, steals, 10-4 at blocks, 5-1.

Pinangunahan ni Cris Calaguio, Rommel Adducul, Eddie Laure at Stephen Padilla ang RP team sa paghakot ng 15, 14, 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Show comments