Hindi inalintana ni Hsieh, ranked 23rd sa world juniors ang init sa Rizal Memorial Tennis Center at ang mga hiyawan ng mga manonood para kay Arevalo upang tapusin ang laban sa isang oras at itakda ang kanyang pakikipaglaban kontra eight seed Pichaya Laosirichon ng Thailand na nagtala ng 4-6, 6-2, 6-3 tagumpay kontra Australian Sevvy Gallos.
Ang iba pang umusad sa quarterfinals sa girls division ay sina top seed Angelique Widjaja ng Indonesia at ang dalawang top seed sa lalaki na sina Jonathan Chu at Prakash Amritraj ng Amerika.
Pinatalsik ni Widjaja ang Thais na si Montinee Tangphong, 6-2, 6-1 upang isaayos ang kanyang pakikipaglaban kontra Australian Adriana Szili na nanaig naman kontra Indians Megha Vakarra, 6-1, 6-3.
Tinalo ni Chu si Jan Stancik ng Slovakia, 5-7, 6-4, 6-3 habang ginapi ni Amritraj si Nishank Mishra ng India, 6-1, 6-2.