Tangka ng mga world-ranking juniors sa pangunguna nina International Tennis Federation (ITF) No. 46 Jonathan Chu at No. 62 Perakash Amritraj na kapwa taga Amerika ng Amerika at No. 21 Angelique Widjaja ng Indonesia sa girls section ang top award na 100 ITF points na ibibilang sa kani-kanilang rankings.
Magpapakita rin sa aksiyon sa mahigpitang tournament na ito para sa Asia campaigners sa 18-years and below category ng Group 2 championships para sa 18 years and below campaigners ang siyam na locals sa boys division sina wild cards Joseph Victorino, John Rey Moreno, Johan Guba at Ian de Guzman maging ang world No. 129 at 11th seed Czarina Mae Arevalo at ang mga wild cards na sina Ziarla Battad, Vida Alpuerto, Charise Godoy at Chicago-based Fil-Am Kara Guzman sa kababaihan.
Kasama naman sa 32-man main draw sina world No, 340 Piotr Dilaj ng Poland, world No. 347 Chris Guccione ng Australia, world No. 499 Chang Yao-Lun ng Taiwan at Amerikanong si Scott Oudsema na siyang nanguna sa boys qualifying round kahapon.
Umusad din sa main draw ng girls division qualifiers sina Thailands Montinee Tangphong at Thassa Vitayaviroj, Korean Lim Sae-Mi at New Zealands Tanja Markovic.