Ang naturang dalawang araw na chess tournament ay inorganisa ng Youth for Social Action (YSA) ay bukas para sa lahat ng untitled o non-master chess player na may edad 25 anyos pababa sa koopersayon ng Ortigas and Company partnership limited inc., at ng Pilipinas Shell na sanction ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
Ang iba pang inaasahang mangunguna sa listahan ng mga ibat ibang batang chessers ay mula sa UAAP, NCAA, SCUAA, NCRAA, CUSA, PRADA, STRAA at PRISAA kabilang ang top board ng UST na si Roland Salvador, ang top women player ng College of St. Benilde Kathryn Ann Cruz, Jennifer Cruz ng FEU, Cesar Apalla, Jesse Sinangote, Gary Garcia at Paulino Castigo ng RTU, Nelsonre at Nelman Lagutin ng UE, Jack Arroyo ng TIP, Rey Jomar Magallanes ng San Beda College at Vic Neil Villanueva ng Letran College.
Hinihiling din ng organizing committee sa lahat ng Mayor at Vice Mayor na magpadala ng kani-kanilang delegasyon sa kani-kanilang siyudad at munisipalidad. Nakataya rito ang P31,000 cash prize na ang magka-kampeon ay tatanggap ng P10,000.