Liderato itataya ng SMBeer vs Shell

Itataya ng San Miguel Beer ang hawak na liderato kontra sa Shell Velocity sa kanilang nakatakdang engkuwentro sa pagpapatuloy ngayon ng PBA All-Filipino Cup sa PhilSports Arena.

Magtatagpo ang landas ng SMBeer at Turbochargers sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:15 ng hapon at isusunod naman ang sagupaan ng Barangay Ginebra at Pop Cola Panthers sa dakong alas-7:30 ng gabi.

Nagsosolo sa liderato sa kasalukuyan ang San Miguel taglay ang 6-2 win loss slate kasunod ang walang larong Batang Red Bull na may 6-3 kartada.

Kung magtatagumpay ang Shell at Gin Kings na kapwa nag-iingat ng 5-3 record, ay magkakaroon ito ng karapatang makisosyo sa liderato.

Hangad ng San Miguel na maitala ang kanilang ikatlong sunod na panalo upang masundan ang nakaraang 90-81 pamamayani kontra sa Purefoods TJ Hotdogs noong Marso 7 sa Ynares Center sa Antipolo.

Ito ang panibagong winning streak ng Beermen matapos maputol ang kanilang apat na sunod na panalo sa simula ng kumperensiya at malasap ang dalawang sunod na talo.

Sa layuning ito ng San Miguel, inaasahang mangunguna sina Dan-ny Ildefonso, Danny Seigle, Nick Belasco, Dwight Lago, Olsen Racela, Boybits Victoria at iba pa.

Hangad naman ng Turbochargers na makabangon mula sa kanilang 58-65 pagkatalo kontra sa Red Bull noong Marso 9 sa Phil-Sports Arena.

Bagamat nakabalik na sa aksiyon si Benjie Paras ay hindi pa rin ito naglaro ng kanyang dating porma at ito ang inaasahan ngayon.

Bukod kay Paras, naririyan sina Rob Wainwright, Cris Jackson, Mark Telan, Gerry Esplana, Dale Singson at rookie Michael Hrabak.

Hangad naman ng Ginebra na masundan ang nakaraang 87-76 panalo kontra sa Tan-duay Gold Rhum habang galing din ang Panthers sa 72-69 pa-mamayani kontra sa Sta. Lucia Realty sa out-of-town games sa Laoag City noong Sabado.

Ang Pop Cola ay may 4-4 win-loss slate sa likod ng 5-4 ng defending champion Alaska Aces kasunod ang Phone Pals (3-5), Purefoods (3-6), Tanduay (3-6) at Sta. Lucia (3-6).

Show comments