"Although beach volleyball started to attract people in the early 90s, its only this year that the sport is finally getting its much deserved attention, ani Liao, na vice-president din ng Philippine Amateur Volleyball Association.
Pero una sa lahat, kailangang may pondo muna bukod pa sa suportang ibinibigay ng Nestea Ice Tea.
Sa loob ng limang taon, itinataguyod ng Nestea ang inter-collegiate beach volleyball pero ngayong taon lamang naglunsad ang kompany ng bonggang programang tinaguriang "Nestea Loves the Beach" isang tatlong bahaging torneo na binubuo ng University Challenge, National Open at ang nalalapit na Asian Beach Volleyball Womens Championship.
"Nestea has been a great help to the sport in the past and they continue to do that at present," ani Liao. "But we need more private and even public support if we want to boost our chances in the international meet."
Sinabi rin ni Liao na tinatangka ng PAVA na kumuha ng financial support mula sa Philippine Sports Commission ngunit tila hindi pinapansin ng naturang ahensiya ang kakulangan ng pondo ng beach volleyball.
Sa kasalukuyan, tanging ang national indoor training pool lamang ang tumantanggap ng allowances mula sa PSC samantala patuloy na naghahanap ang beach volleyball team ng pagkukunan ng kanilang pera at mismong sa sarili nilang bulsa nanggagaling ang pera para lamang makasali sa torneo.
Tulad na lamang ng tambalang Herminio Gallo at Parley Tupaz, ang kampeon sa katatapos na Nestea National Open.
Bagamat sila ang pinakamahusay na tambalan sa naturang sport, ang dalawa ay pang-12th mula sa 20 partisipante sa Asian tournament sa Thailand noong 1999, na nananatiling miyembro ng national indoor squad ( bukod sa pagsasanay nila sa beach volleyball) dahil ito lamang ang kinikilalang RP team na nakakakuha ng suporta. (Ulat ni Joey Villar)