Bear Brand kitefest sisimulan na ngayon

Idaraos ngayon ang pinakamalaki at prestihiyosong kompetisyon sa pagpapalipad ng matataas na saranggola sa bansa sa Kalibo, Aklan sa Roxas Memorial College of Arts & Trade (RAMCAT).

Ang naturang kompetisyon ay bukas para sa lahat ng individuals, grupo ng miyembro ng pamilya at mga kaibigan na mayroong apat na kategorya: Junior Kite para sa kabataan, Flat Kite, Geometric Kite at Figure Kite.

Nakataya sa annaul event na ito ang mga cash prizes at tropeo na gaganapin rin sa Manila at iba pang siyudad sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Bukod sa Kalibo, Aklan, idaraos din ang kitefest sa Davao sa Marso 18; Panga-sinan sa Abril 1; Tagbilaran, Bohol sa Abril 8; Baguio sa Abril 22; Puerto Princesa sa Abril 29 at Metro Manila sa Mayo 13.

Show comments