SMB Supreme Masters of Billiards, sasargo sa Metropolis

Haharapin ni Efren "Bata" Reyes ang kap-wa niya Puyat Sports teammates sa klasi-kong P200,000 San Miguel Beer "Supreme Masters of Billiards" 9-ball tournament sa Metropolis Star mall sa Alabang, Muntinlupa ngayong hapon.

Tampok sa event na ito sina Reyes, Francisco "Djan-go" Bustamante, Rodolfo "Boy" Luat at Leonardo "Dodong" Andam--mga stars ng popular na bagong TV commercial ng San Miguel Beer-sa isang araw na knockout free-for-all.

Haharapin ni Reyes si Andam sa ala-1 ng hapon at sasagupain ni Bustamante si Luat sa ikalawang laban na ang mananalo ang siyang maghaharap sa finals sa alas-6:00 ng gabi para sa nakatayang unang premyo na P100,000.

Tatanggap ang runner-up ng P50,000 at ang dalawang losing semifinalist at tig-P25,000.

Idaraos ang libreng admission tournament na ito sa main lobby ng Metropolis Star mall na ipalalabas naman ng Viva Vintage TV ang mga laban sa IBC-13 alas-10 ng gabi nga-yon.

Mayroon ding special match sa pagitan ng dalawang piling women players--sina Angeline Halili at Ces Marquez para sa kick off ng Puyat Sports-Viva Vintage TV project bilang panimula sa Women’s Pocket Billiards League dito.

Show comments