Baguio, Quitalig nagsalo

Pinagsaluhan nina Edgar Baguio at Sonia Quitalig ng D’Friendly ang singles (A/B) title sa 27th National Invitational duckpin bowling championships na ginanap kamakailan sa Marketplace Center sa Mandaluyong City.

Pinayukod ni Baguio si Jun Santos ng CADBA, 235-213 sa two-game men’s finals, habang naungusan ni Quitalig si Emma Nadura ng CADBA rin, 234-190 sa Ladies match.

Ang iba pang nagkampeon ay sina PDBA-Geofer Pasig at BDBA-II Batangas sa men’s at ladies team event, ayon sa pagkakasunod at BDBA-Lam’s Rainer Villanueva at UDBA’s Mar-Anne Ortega sa class C men’s at ladies singles, ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ng Pasig keglers ang BDBA-Lam II, 330-305, habang hiniya naman ng Batangas belles ang Ariba-JLN, 314-293.

Show comments