Pero hindi sa track oval kung saan siya nagreyna sa loob ng ilang dekada, kundi sa pulitiko bilang konsehal sa kanyang bayan sa Meycauayan, Bulacan.
Si Diay (tawag sa kanya), na ngayon ay 36 anyos na ay nag-file na ng kanyang kandidatura noong Martes at tatakbo sa ilalim ng tiket ng kasalukuyang mayor na si Eduardo Alarilla.
"I have thought of this (running) for a long time. Noong una, ayoko. Wala akong alam sa pulitika at alam ko mahirap at madumi ang labanan dito," aniya.
"They told me I could play a major role in the local governments sports development program as town official. I was born in Meycauayan, grew up in the town where I was discovered as a runner. Naisip ko, isa itong paraan para naman maibalik dito ang mga grasyang naibigay sa akin bilang athlete kaya noong bandang huli, pumayag na rin ako." dagdag ni Diay.
"I know I would again be critized in plunging myself into politics. Atleta lang ako at walang karapatang magsilbi sa bayan bilang pulitiko. Pero naisip ko, ang pagsisilbi ba sa bayan may pinipili? Kung hindi ka abogado, doktor o kayay masters degree holder eh hindi ka na puwedeng maglingkod sa bayan" pagdidiin ni Diay.
"Ang concentration ko naman sa sports development. Siguro naisip din ng partido na wala namang ibang mapipili para maipatupad ang programa sa sports kaya ako ang naisip nila. Besides, Im a teacher at may experience namang makiharap sa mahihirap na tao. Alam ko ang kanilang pulso at pangangailangan. So I believe I can also be of help in that area," paliwanag ni Diay na huling tumakbo bilang atleta ay noong 1994 sa Asian Games.