PYBL sa Makati Coliseum

Sisimulan ang ikalawang kumperensiya ng Philippine Youth Basketball League sa Abril 17 sa Makati Coliseum.

Matapos ang matagumpay na pagtatanghal ng unang edisyon ng PYBL, maraming natanggap na tawag si PBL Commissioner Chino Trinidad na humihiling sa pagdaraos ng ikalawang PYBL tournament nitong summer.

Inihayag ni PBL chief operating officer Perry Martinez na tinatanggap na ngayon ang mga team applicants para sa 2nd PYBL.

Ang huling araw ng pagkukumpirma ng par-tisipasyon ay nakatakda sa Marso 16 sa pagpupulong sa alas-2:00 ng hapon sa tanggapan ng PBL, 31, Mascardo St. La Paz Village, Makati City.

Ang mga interesadong koponan ay maaaring tumawag kay Nida Oliveros sa tel. nos. 8976383 at 8956483.

Show comments