Aldeguer, kinuha ng Negros Slashers

Nasilo kamakailan ng Negros Slashers ang ace point-guard na si Dino Aldeguer at kung saan umaasa sila na ang pagkakasama ng cager sa kanila ay makapagbibigay ng higit na lakas upang mapaganda ang kanilang tsansa sa 2001 MBA season na nakatakda sa June 3.

Ayon kay Slashers coach Robert Sison, ang pagkuha nila kay Aldeguer ay isang malaking boost sa backcourt kasama nina Maui Huelar at Dennis Madrid.

"He was recommended by the owners, at nag-try out siya. Nagustuhan ko naman how he played. He will be a big asset to the team, knowing his experiences accomplishments with De La Salle and Welcoat Paints in the PBL," sabi pa ni Sison.

"He will be a big help to the team. He has the vision and good court leadership which makes him one ideal player. Definitely, he’ll get his playing minutes but he still has to prove himself to the team and adjust to our system," dagdag pa ni Sison.

At sa parte naman ni Aldeguer, isang malaking hamon sa kanyang basketball career makaraang maging bahagi ito ng back-to-back champion De La Salle Green Archers sa UAAP at Welcoat Paints sa PBL.

"This is a bigger challenge since I’ll be playing for my family’s hometown. Mas malaking puso dapat ang ibigay ko for the team and my fellow Negrenses. I’ll try my best," sabi naman ni Aldeguer.

Kinumpirma rin ni Sison na ilang detalye na lamang ang kanilang pag-uusapan at masusungkit na nila ang serbisyo ni Vince Hizon ng Iloilo Megavoltz at Laguna Lakers’ Jeffrey Flowers.

"Negotiations with Vince (Hizon) is almost a done deal. Actually, mas nakafocus kami ngayon to get Jeffrey (Flowers) since we badly needed a legitimate center. Yun talaga ang kulang namin kaya ganoon na lang kami nilamon ng San Juan sa National Finals," ani pa ni Sison.

Show comments