Itinigil ni referee Wan Souyuh ang laban may 1:19 ang nakalipas sa ikapitong round nang di na makaporma ang dating kampeon na si Rodrigo.
Tinalo ni bantamweight champion Abner Cordero si RP super-bantamweight champion Dino Olivetti sa pamamagitan ng majority decision sa supporting bout ng ‘Rumble In Antipolo’ sa Yñares Center kagabi.
Matapos ang 10-rounds ng 123-lbs. division, angat si Cordero sa dalawang judges at draw sa isang hurado.
Nanalo si Cordero na ngayon ay may 21-panalo na, sa score card nina judge Ver Abainsa, 98-91 at Vince Penifiel, 98-93 habang iniskoran naman ni judge Fred Demites ang laban na tabla sa 95-all.
Sa isa pang supporting bout, nagtala naman ng technical knockout si Rolly Lunas laban kay Ricky Manatad matapos ang 2:56 oras sa first round.
Sa preliminary bouts, nagsipagpanalo naman sina Danny "Boy" Layogon, Jun Gagante at Jun Lorona sa kani-kanilang divisions.
Tinalo ni Layogon si Larry Unsod sa pama-magitan ng split decision sa kanilang 6-round bout para sa 106-lbs. division habang nagtala naman si Gagante at Lorona ng magkahiwalay na technical knockout win.
Pinabagsak ni Ga-gante si Jonas Bersabal matapos ang 2:08 oras sa unang round ng kanilang 4-round bout sa 108-lbs. category.
Pinatulog naman ni Lorona si Arce Suganod makalipas ang 21-segundo sa kanilang 4-round bout sa 105-lbs. division.
Susundan naman ito ng engkuwentro nina Randy Mangubat at Bert Cano sa 12-round bout ng WBC International flyweight championship.
Ang main event sa pagitan ng champion na si Manny Pacquiao at challenger na si Tetsutora Senrima ng Japan para sa WBC International super bantamweight championship ang pinakahuling laban.
Nakataya sa laban nina Pacquiao at Senrima ang President Cup kung saan optimistiko si Pacquiao na muli niyang maidedepensa ang korona sa ikaapat na pag-kakataon.