Ito ang inihayag kamakailan ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president Eugene Torre matapos na ang nasabing organisasyon ay napuwersang makipag-team-up sa sportsman na si Atty. Matias "Mat" Defensor.
Tinatayang aabot sa 200 chessers mula sa buong bansa ang inaasahang lalahok sa mens open na magsisimula sa isang 11-round Swiss System elimination na gaganapin sa Greenhills Shopping Complex. Matapos ito, ang 12 qualifiers ay magpapalitan naman ng estratehiya sa tatlong grandmasters sa single round-robin final.
Nasabay din ang national womens championship sa mens eliminations.