Ilang krusiyal na depensa ang pinagana ng tambalang Albert Alano at Eliezer Collado ng MIT 1 upang igupo ang parehas nina Jamel Macasamat at Jerome Capada ng University of San Juan de Recoletos-Cebu, 12-9 upang makakuha ng isang slot sa susunod na round ng mens division.
Mula sa 8-9 pagkakadikit ng iskor, gumamit sina Alano at Collado ng ilang mahuhusay na adjustments at depensa kung saan dalawang ulit nilang na-blocked ang tira ni Macasamat upang kunin ang huling apat na puntos sa kanilang laro na nagpalakas ng kampanya ng MIT 1 sa Group 3.
Nagpamalas naman ng intensibong laro sina Cecille Tabuena at Glenda Pintolo ng USLS-Bacolod upang payukurin ang tambalang Sherylyn Carillo at Abigail Latigay ng Letran College 1, 12-4 sa womens side.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nakapasok si Tabuena sa quarter-finals matapos ang nakaraang edisyon kung saan naging bahagi siya ng koponan sa pagtatapos ng ikatlong puwesto.
Nakabawi naman ang De La Salle University 1 mula sa ikalawang set na pagkatalo upang igupo ang Letran 1, 12-4.