At sa isang telephone call, nagpahayag si FEU atheltic moderator Anton Montinola na siya ay nababahala hinggil sa desisyon ng GAB na nagdedeklara na ang PBL ay isang "professional."
Gayunman, ang pangamba ni Montinola ay kinukunsidera ni Javier bilang "too premature" at sa ilalim ng batas, may nakapending pa na apela sa Office of the President, kung kayat magpapatuloy ang PBL na mag-operate bilang non-professional league.
Inihayag din ni Javier na siya ay nasorpresa nang ialok ni Montinola ang buong FEU team para sa Pharma Quick para sa nalalapit na 2001 PBL Chairmans Cup. Sinabi pa niya na karamihan sa Tamaraws ay nagsisikap ng umalis sa koponan.
Nakahugot rin si Javier ng dalawang mahuhusay na manlalaro sa sumunod na round--ang 2001 NCRAA rookie of the Year Chico Lanete, tubong Basilan Province para sa kanyang ikalawang pagpili at sa ikatlong pagpili ang RP team member naman na si Mark Masumbol ang kanyang hinugot.
Kinuha ng Pharma Quick si Alfie Grijaldo ng Skyland Estates at ang di-gaanong kilalang si Ernan del Monte.
Apat na malalaking tao naman ang kinuha ng Osaka Iridology at tatlong three-point shooter sa draft.
Kinuha ni coach Franz Pumaren sina 64 Fil-Am Jason Neil, mula sa Calpoly, St. Fullerton bilang top pick, bago niya isinunod si Roberto Lagar ng Mapua.
Ang iba pa ay sina 66 dating San Beda Red Lion Guinness Nabung, St. Francis 64 power forward Michael Jacob at La Salles Vincent San Diego.
Tatlong Cebuano stalwarts ang pinili ng Hapee Toothpaste--sina Pablo Tecson, Glenn Yuson at Edsel Feliciano.
Apat naman ang napunta sa Blu Sun Power--sina Jeff-ree Quiambao, Jose Vilaflor, Ernani Epondulan at Fil-Canadian John Philip Albano.
Napisil naman ni Montana coach Leo Isaac ang 63 na si Jay-Arr Estrada, bago kumuha sa dispersal pool sina Mark Roget Rivas Daniel Magba-nua, Jonathan Sanchez at Ian Daja.
Hinugot ng Welcoat Paints na kinatawan ni Boy Lapid at Jay Legacion sina Melvin Mamaclay at Michael Tolentino, bago isinunod sina Marlon Tadeo, Rey Tuble at Isagani Malindog.
At sa PBL Challenge Cup champion Shark Energy Drink, kinuha nila sina Omar Asmad, Manuel Caceres, Jun balares, Roy Falcasantos, Ricky Vinoya at Benjamin Tropa Jr.