Kinumpirma kahapon ni Gabriel Bebot Elorde Jr., ang promoter ng 12-round encounter na tinaguriang "Rumble in Antipolo" sa tulong ng San Miguel Beer na darating ngayon ang kalaban ni Pacquiao na si Tetsutora Senrima ng Japan.
Nagkaroon ng problema si Senrima na ipinanganak sa Korea kayat di ito nakarating noong Peberero 11 dahil kailangan nito ng visa bunga ng kanyang pagiging North Korean passport holder.
"A weeklong wait is over. We did everything through the DFA to ensure that Senrima will make it for the Saturdays fight," pahayag ni Elorde.
Ipinarating ni Senrima na hangad nitong agawin ang championship belt mula kay Pacquiao gayundin ang kanyang kasalukuyang world ranking.
Si Pacquiao ay No. 3 sa WBC 122-pound division na pinangunahan ni Willie Jorrin ng USA at No. 3 din sa International Boxing Federation na pinamumunuan naman ni Benedict Eldwaba ng South Africa.
"I want his crown. But I need more his world rankings," wika ng 31 gulang na si Senrima na nag-iingat ng 19-4-3 panalo-talo-draw kabilang ang 10 knockouts.
Ipinagmamalaki naman ni Pacquiao ang impresibong 32-panalo, 2-talo at walang draw, 25 nito ay via KOs.
Huling tinalo ni Pacquiao ang Lebanese-born Nadel Hussein ng Australia noong nakaraang taon na kanya ring na-KO.