Mahigit sa isang daang koponan mula sa 50 colleges at universities ang dadayo sa man-made beach volley arena sa Manila upang makasama sa semifinals at championship rounds na idaraos sa Boracay mula Abril 21-22.
Kamakailan lamang ini-lunsad ng Nestea Beach Volley Series ay bubuuin ng dalawa pang beach volleyball series ang First Nestea Beach Volley National Open sa Marso 8-10 at ang 2nd Nestea Asian Womens Beach Volley Championships sa Marso 30 hanggang Abril 1, na opisyal na idineklarang unang yugto ng Asian Beach Volley Circuit ni Tony Liao, vice-president ng Philippine Amateur Volleyball Association at chairman ng Asian Beach Volleyball Council.
Ang Nestea Beach Volley University Challenge ay suportado din ng Speedo, official outfitter, Asian Spirit, Mikasa, The Westin Philippine Plaza, Milo, Nescafe Frothe, Dunkin Donuts, Boracay Resorts, Galaxy, Resort, Boracay Gold Crown Club at Alyssa Resort at ang Boracay food sponsors naman ay ang Caribo, Gorios Cafe Breizh at Floremar Pizzeria Da Mario Ristorante Italiano.