Tatagal ang nasabing annual golfing fiesta ng siyam na araw na gagamitin sa event na ito ang tradisyunal na venues--ang Cebu Country Club at Club Filipino de Cebu upang ma-accomodate ang dumaraming bilang ng mga kalahok na clubs.
Pangunahing sponsors ngayong taon ang Airbus Industrie, GE Aircraft Engines, Mareco Broadcasting Corp (105.1 Crossover), National Broadcasting Corp., TTG Asia at ABS-CBN International.
Kabilang din sa corporate sponsors ang Asia Brewery, Pathfinder Holding Phils., Boeing, Bombo Radyo, DWWW, Foreign Post, Fortune Tobacco Corp., Malaya, PhilStar Daily, Premier Wines and Spirit, Radio Mindanao Network, University of Mindanao Bradcasting Network, Waterfront Hotel, Zebra Holdings,PLDT, Century Park Hotel, El Nido Beach Resort, Heritage Hotel, U-Bix Corp., Verdemar Golf and Country Club at RGMA Network Inc.
Lalaruin ang 15th Seniors Interclub sa loob ng tatlong araw sa kauna-unahang pagkakataon simula sa Peb. 22-24. Makaraan ang dalawang araw na pahinga na kinabibilangan ng practice, lalaruin naman ang 54th regular mens Interclub sa loob ng apat na araw simula sa Peb. 27 hanggang Marso 2 sa nasabi ring venues.