Ang naturang Ethics Commission ay pangangasiwaan ni dating POC president Gen. Rene R. Cruz (ret).
Layunin ng POC na maayos sa magandang paraan ang anumang reklamo na base sa regular procedures gaya ng nakasaad sa POC Charter.
Isa sa naging negatibong aksiyon ay ang idinaos na rally ng ilang NSA officials na ginamit ang kani-kanilang atleta upang ipahayag ang kani-kanilang sintemiyento.
At sa nasabing resolution, tinukoy ng POC ang mga NSA officials, coaches at atleta na : 1. Nagdaos ng rally sa lansangan para lang idaing ang kanilang hinanakit sa kani-kanilang sports na kinaaniban at ikalawa ang pagkakasangkot ng isang NSA sa pagpapagamit sa pulitika ng isa pang NSA na layuning makasira sa NSA o kayay sa NSA official.
At patungkol sa naganap na rally kamakailan, nakasaad sa resolution ang " The POC is disappointed by the manner and behavior of such individuals who have disregarded the process laid out by the POC for handling of such compliants and deprived the parties concerned of the opportunity to represent their own side in the proper forum."