Ang bagong araw para sa laban na tinaguriang "Rumble In Antipolo" ay sa Pebrero 24.
Ito ang inihayag ni promoter Gabriel Bebot Elorde kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila.
Inihayag ni Elorde na ang dahilan ay ilang teknikalidad at si Senrima ay hindi makararating sa takdang oras ng kanilang nakatakdang 12 round encounter sa Yñares Sports Center.
"The problem is on Senrimas part. Eventhough he was born and raised in Japan, he still holds a North Korean passport," ani Elorde.
Ayon kay Elorde, dahil wala tayong diplomatic ties sa North Korea, kaila-ngan nilang kumuha ng clearance mula sa Immigration at sa Department of Foreign Affairs.
"But it will not end there. Hanggang ngayon ay hindi pa daw natatanggap ng kampo ni Senrima yung fax message mula sa Immigration at DFA and will take one week para ma-process doon sa kanila ang kanyang mga papeles kaya I decided to postponed the fight for a week," paliwanag pa ni Elorde.
Ito ang ikaapat na depensa ni Pac-quiao sa kanyang WBC International Super Bantamweight crown at nangakong gagawin ang lahat matapos ang kontrobersiyal na laban nito kay Nadel Huseein ng Australia noong Oktubre 2000.
Sinuwerte si Pacquiao upang maligtasan ang 4th round knockdown para mapagwagian ang laban sa pamamagitan ng 10th round TKO.