Base sa mga naunang ulat, bahagyang nagkaroon si Senrima ng problema hinggil sa kanyang pagiging North Korean passport holder sa dahilang wala pang diplomatikong North Korean sa bansa kung kayat nagtulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang immigration Office sa pagresolba ng naturang problema.
Sabik ng makaharap ni Senrima, isang 31-anyos na ipinanganak sa Kobe, Japan sa isang North Korean parents ang Pinoy boxers upang maipakita ang tunay niyang kakayahan bilang isang mahusay na boksingero.
Haharapin ni Senrima si Pacquiao para sa 12-round ng WBC International Superbantam-weight crown sa Pebrero 17 sa Yñares Sports Center sa Antipolo City.
May pagkakataon sina Senrima at Pacquiao na magkita muna bago ang kanilang laban sa darating na Martes sa PSA forum kung saan ang dalawang fighters ay panauhin sa Holiday Inn Manila.
Bukod sa Pacquiao-Senrima bout, mayroon pang dalawang ibang WBC international bouts ang nakatakda sa nasabing event.
Itoy ang minimum-weight bout sa pagitan nina champion Zarlit Rodrigo kontra Ernesto Rubillar at ang sagupaan naman nina flyweight titlist Randy Mangubat at Bert Cano.