Dominado ng mga atleta mula sa Luzon Colleges ang final day nang ma-sweep ang lahat ng final matches sa basketball, baseball, volleyball (women), softball, sepak takraw at football.
Nauna rito, ibinulsa na ng Luzon Colleges ang ginto sa chess, table tennis at sa walong weight division sa kompetisyon ng taekwondo.
Bukod sa Luzon Colleges, pitong iba pang kolehiyo at unibersidad ang lumahok din sa naturang meet na ito. Itoy ang Divine World Colleges of Laoag, St. Louie College, Lerma College, Union Christian College, San Carlos College at Northern Philippines College for Maritime and Technological Studies.
Bunga ng kanilang ipinamalas na tikas, nakuha ng mga atleta mula sa Luzon Colleges ang 60% ng slots para kumatawan sa Region 1 sa nalalapit na PRISAA Games sa Marso 6-10 sa Dagupan, Pangasinan.
Pinarangalan ni National PRISAA president Emmanuel Angeles ang Region 1 head na si Luis Chito" Samson para sa naging matagumpay na pagtanghal ng nasabing event.