"Katulad ng kay Freddie Abuda. Bigyan ang team ng lakas sa depensa, rebound at maghabol ng loose balls," sabi niya.
At matapos ang dalawang laro ng bagong season, natupad ni Belasco ang kanyang binitiwang salita.
At sa nakaraang naunang dalawang laro ng Beermen, ipinakita kaagad ni Belasco ang kanyang tikas nang magposte ng mga numero sa scoreboard at tulungan ang kanyang koponan na maitala ang ikalawang dikit na tagumpay sa Philippine Basketball Association All-Filipino Cup na dahilan upang manalo siya sa botohan ng mga miyembro ng PBA Press Corps para sa Player of the Week.
Ang nasabing botohan ay lubhang napakahigpit sa pagitan ni Belasco at ng paboritong si Alvin Patrimonio matapos na manguna sa kanilang panalo kontra Alaska Aces noong Linggo.
Ngunit sa bandang huli, si Belasco ang nanalo. Ang 6-6 boardcrasher ang siyang bumandera sa pananalasa ng Beermen sa kanyang itinalang 19.5 puntos at 9.5 rebounds kada laro sa kabila na hindi siya ang naging starter ng koponan.
"Hes given us a great lift off the bench. He helps us sustain the energy of the starters," ani SMB coach Jong Uichico
At sa listahan ng mga kandidato para sa isang linggong citation na tatahak para sa buwan ng Enero 28 hanggang Pebrero 4, si Belasco ang maituturing na karapat-dapat na manalo.