Baculi, inaasintang maging coach ng MIT

Inaasinta ng Mapua para maging coach ng Cardinals sa NCAA si Junel Baculi, head coach ng Welcoat sa PBL, matapos na magresign si Nic Jorge.

Pinamumunuan ni Baculi ang maikling listahan ng mga kandidato para maging mentor ng MIT na kinabibilangan din nina Leo Isaac ng Montana Pawnshop, Horacio Lim ng MIT Red Robins, dating La Salle tactician Virgil Villavicencio at Alaska Aces assistant coach Gilbert Reyes Jr.

Si Isaac, dating miyembro ng MIT squad ay nakapagsumite na ng kanyang apli-kasyon at kinapanayam na ng five-man panel na pinamumunuan ni dating MIT athletic director Valerio ‘Amang’ Lopez.

Sina Baculi, Isaac at Lim ay pawang produkto ng MIT habang si Villavicencio ay sa La Salle at si Reyes naman sa Ateneo.

Show comments