Hindi naging balakid para kay Aiza Cometa ang kanyang kaliitan upang makopo ang gintong medalya sa girls 200-m dash sa pamamagitan ng record breaking performance sa San Luis RECS Village dito.
Ang 12-gulang na si Cometa, ang ika-apat na double gold medalists, ay nagtala ng 27.1 segundo tiyempo na sumira sa 29.1 na itinala ni Evelyn Hinampas ng Misamis Oriental noong unang itang-hal ang kumpetisyong ito, 2-taon na ang nakaka-raan sa Bacolod City.
Tinalo ni Cometa sina Joba Botana ng Leyte (27.9) at Angie Onasin ng Capiz (28.8) na nagkasya sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.
Nauna nang nagkamit ng gold medal si Cometa sa 100-m dash at sinasabing siya ang bagong reyna ng tracks.
Ngunit hindi pa nangangalahati si Cometa sa kanyang misyon sa palarong ito.
"Masaya ako at nakuha ko ang pangalawang ginto ko, pero may tatlo pa akong sasalihan at sana manalo din ako doon," ani Cometa na tatanggap ng P5,000 bawat isang gold medal nito bilang insentibo. (Ulat ni Joey Villar)