Ito ang siniguro ni commissioner William I. Ramirez, over-all in-charge ng Batang Pinoy program, at sinabi rin na mas marami ang children-athletes sa bansa na sumailalim sa masusing pagsasanay at paghahanda ng kanilang koponan para lumahok sa ibat ibang events na magbubukas sa Enero 21, 2001 sa RECS Sports complex sa Sta. Cruz, Laguna.
"We expect to see new faces, new talents in this coming Batang Pinoy Games because of the exodus of first-timers which will see action in many events," ani Ramirez.
Noong unang Batang Pinoy National Championships sa Bacolod City, ilang bilang ng mga batang atleta ang nagdomina ng mga pangunahing events at nagpakitang-gilas din sa ibang national at international competitions.
Ilan sa mga Batang Pinoy champions ay sina triple-gold medalist Emmanuel Quilala at Ronald Lambert Guiriba na naghari sa 2000 Millennium Palarong Pambansa at Pan-Pacific School Games sa Sydney, Australia.
Si Guiriba, ang most bemedalled athlete sa 2000 Palarong Pambansa ay sumungkit ng isang gold, isang silver sa Pacific Games habang kumulekta naman ng isang gold si Quilala. Ang iba pang Batang Pinoy talents ay sina gymnast Ana Cruz na 1st placer sa final vault event ng Pacific Games. Ang dalawa pa niyang kasama -- ang 9 anyos na si Therese Aguinalde at Ma. Angelica Basco ay kumuha ng dalawang bronze.