Iginupo ng MLQU-Boysen ang Skyland Estate Homes, 68-63 sa kanilang finals encounter kahapon sa Makati Coliseum.
Naging matatag sa huling bahagi ng laro ang MLQU-Boysen kung saan naging mahigpit ang labanan upang makopo ang kauna-unahang tropeo sa torneong ito.
"Very very confident ako na mananalo kami dahil sabi ko sa mga player ko ay we have the experience and we have been into this situation before," pahayag ni coach Rex Manansala.
Isang 7-0 atake ang pinakawalan ng MLQU-Boysen sa huling limang minuto ng labanan upang lumayo sa 65-57 na kanilang naging tuntungan sa tagumpay.
"Very very prestigious ang titulo na ito dahil sa PBL caliber ang liga at memorable talaga ito dahil kami ang naging kauna-unahang kampeon," dagdag pa ni Manansala.
Umiskor ng 19 puntos si Edelito Saygo upang pangunahan ang MLQU habang nagdagdag naman ng 15 at 12 puntos sina Rivera at Mallari, ayon sa pagkakasunod.