Santiago, Rider of the Year

Pinagharian ni Danny Santiago ang karangalang Rider of the Year nang mapagwagian nito ang pinakamaraming yugto ng 2000 Shell Helix Slalom Series.

Miyembro ng Shago racing team, naungusan ni Santiago ang pinakamahigpit niyang karibal na si Dr. Pewee Mendiola at Bernie Barbon sa production series category upang tangayin ang titulong slalom king.

Ang 2000 Shell Helix awards night ay gaganapin sa Miyerkules, Enero17 sa Purple Ostrich Island Cob Resort sa Cavite.

Show comments