Ito ay matapos mabigong makapagbigay ng confirmation papers mula sa Department of Justice ang pito pang ibang aplikante na naghahangad makapaglaro sa pro-loop.
Bunga nito, may kabuuang 57 aspirante, ang pinakamaraming bilang ng draftees sa kasaysayan ng PBA, 32 nito ay galing sa Metropolitan Basketball Association (MBA) at 12 naman nito ay galing sa Philippine Basketball League.
Hindi na kinailangan pa ng isa ring Fil-Am na si Joshua Lamberts ng DOJ confirmation dahil ito ay may hawak nang Philippine Passport.
May kabuuang 11 Fil-Am ang nag-sumite ng kanilang aplikasyon hindi naihabol nina Christopher Clark, David Friedhof, Jason Henkey, Jeffrey Mannebo, Dennis Decusin, Kenneth Gumpenberger at Francis Rosemeyer ang kanilang DOJ clearance sa itinakdang deadline kamakailan.
Naihabol nina Kenney Evans, Jeremy Aniciete, Michael Hrabak at ng inaasahang top pick na si John Arigo ang kanilang DOJ confirmation.
Pinangunahan naman ni Willie Miller na inaasahang kukunin ng no. 1 pick na Batang Red Bull, ang mga MBA applicants.
Kabilang sa mga PBL applicants ay sina Francis Zamora, Allen Patrimonio, Anton Villoria, Calijohn Orfrecio, Roger Yap, Michael Robinson, Recredo Calimag, Jerald Ybañez, Orly Torrente, Rolando Pascual, Marvin Ortiguerra at Ramon Jose.
Nakatakdang pulungin ngayon ni PBA Commissioner Jun Bernardino ang 57 prospects sa PBA Office para sa briefing ng gaganaping drafting.
Nakatakda ang briefing sa alas-10:00 ng umaga at may pagkakataon pa ang mga aspirants na bawiin ang kanilang aplikasyon hanggang alas-12:00 sa araw na ito.