Ang mananalo sa engkuwentrong magsisimula sa alas-4 ng hapon ang siyang makakasama ng lider na Shark Energy Drink, defending champion Welcoat Paints, Blu Sun Power, Montana Pawnshop at Hapee Toothpaste sa six-team carryover semifinals.
Pasalamat ang Ana Freezers sa Osaka Iridology na pinatalsik ang Ateneo-Pioneer, 66-59 noong Huwebes ng gabi upang ipuwersa ang playoff.
At sa labang ito, mahigpit na paborito ang Freezer Kings na maduplika ang kanilang 52-44 panalo kontra sa Pioneer Insurers noong nakaraang Dec. 2.
Hawak ng Pioneer Insurers ang bentahe sa kanilang taas sa likuran ng twin tower na sina 66 Enrico Villanueva at 67 Paolo Bugia.
Ngunit tatapatan naman ito ng malalintang depensa ng Freezer Kings sa pagbabalik sa aksiyon ni Robin Mendoza na siyang magpapalakas ng morale ng backcourt.
Nauna rito, maghaharap naman ang Dazz-Letran at ang Spring Cooking Oil sa alas-2 bilang pampagana sa PYBL tournament.
Samantala, kailangan ng high-leaping at dating Adamson Falcon na si Tristan Codamon na makahingi ng unconditional release mula sa Blu Sun Power bago siya payagan para sa 2001 PBA Annual Draft sa Enero 14.
Ito ang sinabi ni PBL commissioner Chino Trinidad kahapon at kanyang binigyan ng palugit ang 66 na si Codamon ng hanggang Enero 9 upang maayos ang kanyang problema mula sa DSS Productmakers Inc., franchise.
Sa katunayan, si Codamon ay pumirma ng tatlong taong kontrata sa Blu na magtatapos sa 2003, ngunit binalewala niya ang naturang kontrata nang puma-yag na maging practice player ng Alaska.