Buddy Andrada Cup sisimulan na

Magtatapos ngayong tanghali ang patalaan para sa 12th edisyon ng taunang Buddy Andrada Cup age group tennis championships.

Sinabi ni tournament referee Boy Leonora na ang nasabing dalawang linggong Group 2 event, ang kauna-unahang tournament ng Philippine Tennis Association (Philta) calendar ng kanilang events para sa taong 2001 ay lalaruin sa Enero 6, 7, 12, 13 at 14 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tampok ang mga events sa tournament na ito na suportado ng Philippine Sports Commission, Viva Mineral Water at Nassau balls ay ang singles competitions sa boys’ and girls 18-year and under, 16-and under, 14-and under at 12-and under age categories at ang unisex 10 year plum.

Show comments